Maghaharap ang dalawang bigating mixed martial artists na sina Khamzat Chimaev at Sean Strickland sa Mayo 10, 2026 bilang main event ng UFC 328 sa Middleweight Division na gaganapin sa Prudential Center sa Newark, New Jersey.

Hawak ni Chimaev ang impresibong undefeated record na 15-0 sa kanyang karera sa UFC, na patuloy na nagpapatibay sa kanyang pangalan bilang isa sa mga nangungunang contenders sa division.

Samantala, may kartadang 30-7 si Strickland at dating humawak ng UFC Middleweight Championship belt bago ito naagaw ni Dricus Du Plessis ilang buwan na ang nakalipas.

Ayon sa ulat, dating magkasama sa training camp ang dalawa hanggang 2022, ngunit nagkahiwalay matapos akusahan ni Strickland si Chimaev ng pagiging bully sa loob ng gym.

Advertisement

Mula noon, lalo umanong lumalim ang tensyon sa pagitan ng dalawa hanggang sa tuluyang maisaayos ang isang professional fight sa pagitan nila.

Inaasahan na magiging matinding sagupaan ang laban, lalo na’t parehong may matitinding estilo at reputasyon sa loob ng octagon.

Advertisement