Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) ngayong Miyerkules, Marso 20 na natanggap nito ang summons na inilabas ng Senate impeachment court para kay Bise Presidente Sara Duterte kaugnay ng kanyang impeachment trial.

Sa isang pahayag, sinabi ng OVP na natanggap nila ang summons bandang alas-10:40 ng umaga ngayong Mayo 20, 2026.

Nauna nang inihayag ng impeachment court, na binubuo ng 23 senator-judges, na padadalhan ng summons si Duterte upang obligahin siyang humarap sa paglilitis sa petsang itatakda ng Senado at magsumite ng sagot sa articles of impeachment.

Batay sa kautusan ng impeachment court, binigyan si Duterte at ang kanyang mga abogado ng 10 araw na hindi maaaring palawigin upang magsumite ng tugon sa reklamo, habang limang araw naman ang ibinigay sa prosecution panel upang sagutin ang kanilang ihahaing tugon.

Advertisement

Kabilang sa mga alegasyon laban sa Bise Presidente ang umano’y maling paggamit ng confidential funds ng kanyang tanggapan, pagbabanta kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya, at pagkakaroon umano ng hindi maipaliwanag na yaman.

Mariin namang itinanggi ni Duterte ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.

Advertisement