Kinuwestyon ni Terry Ridon ang kredibilidad ng 18 dating Marines na nagpakilalang bodyguards ni dating Elizaldy Co sa ika-siyam na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Ridon, bagama’t inilatag ng mga testigo ang kanilang mga salaysay sa pagdinig, kapansin-pansin umano na hindi nabanggit ang ilang senador na nakasaad umano sa kanilang mga sinumpaang salaysay. Dahil dito, nagduda siya sa pagkakapare-pareho at kabuuang kredibilidad ng mga testimonya.

Kinuwestyon din ni Ridon ang pamunuan ng komite dahil sa umano’y kakulangan ng masusing pagtatanong sa mga testigo upang malinaw na maipaliwanag ang bawat detalye ng kanilang mga pahayag. Aniya, mahalagang matiyak na lahat ng mahahalagang impormasyon ay nabubusisi upang mapanatili ang integridad ng imbestigasyon.

Sa kabila nito, nagpapatuloy ang pagdinig ng komite kaugnay ng isyung kanilang sinisiyasat, habang inaabangan ang mga susunod na testimonya at ebidensiyang ihaharap sa mga darating na pagdinig.

Advertisement
Advertisement