Iniulat na binawi umano ng Estados Unidos ang visa ni Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, ayon sa isang ulat na lumabas sa ilang news platforms.

Ayon sa ulat, ang naturang hakbang ay nauugnay umano sa mga isyung ibinabato laban sa kanya, kabilang ang mga alegasyon kaugnay ng mga anomalya. Gayunman, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa pamahalaan ng Estados Unidos hinggil sa dahilan ng naturang aksyon.

Sinabi rin ng ilang source na kinumpirma umano ng Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel “Babe” Romualdez na mayroong pagbawi ng visa, ngunit hindi pa malinaw ang kumpletong detalye ng kaso.

Sa kasalukuyan, nananatiling tahimik ang kampo ni Rep. Romualdez hinggil sa naturang ulat.

Advertisement

Wala ring pinal na pahayag mula sa US State Department na direktang maglilinaw sa isyu, habang hinihintay pa ang karagdagang kumpirmasyon mula sa mga awtoridad ng parehong bansa.

Advertisement