Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga dispensing pump ng 25 sa 65 gasolinahan sa Luzon matapos mabigo sa isinagawang fuel marking testing sa unang tatlong araw ng kanilang malawakang operasyon.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, bahagi ito ng kampanya ng ahensya upang matukoy ang posibleng pagtagas sa koleksyon ng buwis at matiyak na sumusunod sa batas ang mga nagbebenta ng produktong petrolyo.
Layunin din umano ng hakbang na maprotektahan ang mga lehitimo at tapat na negosyo laban sa hindi patas na kompetisyon sa sektor ng petrolyo.
Patuloy namang isinasagawa ng BIR ang fuel marking operations sa iba pang mga gasolinahan bilang bahagi ng pagpapaigting ng kanilang pagbabantay sa mga produktong petrolyo.
Advertisement
Advertisement














