Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa posibleng paglaganap ng mga holiday scam at iba pang uri ng krimen sa gitna ng papalapit na Kapaskuhan.

Ayon kay PNP Chief Police Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., mahalagang manatiling mapagmatyag ang bawat isa, lalo na ngayong inaasahang dadagsa ang mga tao sa mga pamilihan, terminal, at iba pang pampublikong lugar dahil sa holiday rush.

Pinayuhan ng PNP ang publiko na tiyaking lehitimo at mapagkakatiwalaan ang mga travel agency at vacation booking platform bago maglabas ng anumang bayad. Binigyang-diin din ang pag-iingat sa pagbabahagi ng personal at pinansyal na impormasyon sa mga hindi kilalang tao upang maiwasan ang panloloko.

Hinimok naman ng PNP ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa pamamagitan ng emergency hotline 911.

Advertisement
Advertisement