Inimbitahan ni Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Brazil sa susunod na taon.

Nasa Pilipinas si da Silva upang dumalo sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit. Ito rin ang kanyang unang pagbisita sa bansa mula nang muli siyang mahalal bilang pangulo.

Noong Sabado, nagkaroon ng bilateral meeting sina Marcos at da Silva upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Brazil.

Samantala, ipinaubaya naman ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapasya kung matutuloy ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Brazil.

Advertisement
Advertisement