Pinalalakas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatanim ng 10 milyong karagdagang puno ng niyog sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Bahagi ito ng mas malawak na pambansang kampanya upang makaabot sa 100 milyong bagong punong niyog sa buong bansa.
Sa ilalim ng programa, 100,000 maliliit na magsasaka ang makatatanggap ng tig-100 punla upang simulan ang pagpapalawak ng kanilang taniman.
Layunin nitong mapataas ang kanilang ani, mapalakas ang sektor ng niyugan, at mabuksan ang mas maraming oportunidad sa kabuhayan.
Advertisement
Tinitiyak din ng hakbang na ito ang mas matatag na kita para sa kanilang mga pamilya sa mga susunod na taon.
Advertisement














