NAGA CITY- Sugatan ang apat na pulis matapos na aksidenteng mabundol ang isang sasakyan sa Brgy. Bagacay, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina PSSgt. Honeyleen Cambel, 36-anyos; Patrolwoman Catherine Loomes, 33-anyos; PSSgt. Christian Grace Olor On Yiu, 29-anyos; at si Patrolman Rener Jaguit Moyano, 28-anyos kapwa residente ng Legazpi City, Albay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na papunta sana ang Isuzu Truck Passenger Van na minamaneho ni Ronaldo Daza, 38-anyos sa barangay Poblacion, Libmanan, Camarines Sur ng ito ay biglang huminto sa gitna ng kalsada.

Dahil dito, nabundol din ito sa likod na parte ng sasakyan na minamaneho naman ni PSSgt. Christian Grace.

Dahil sa insidente, nagtamo ng mga sugat ang mga pasahero ng parehong sasakyan.

Samantala, agad namang nirespondehan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng lugar ang naturang pangyayari at binigyan ng first aid ang mga biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pangyayari.