NAGA CITY– Naging emosyonal ang isang Basketball coach sa nangyaring pagkamatay ng basketball legend na si Kobe Bryant aka Black Mamba.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Coach JC Nuyles ng Ateneo de Cebu, sinabi nitong napakalaki ng kanyang panghihinayang sa kanyang pinalampas na pagkakataon ng pumuntang Pilipinas si Bryant.

Ayon kay Nuyles, bilang isang coach idolo niya si Bryant lalo na pagdating sa mentalidad at galing nito.

Aniya, habang buhay mananaig sa puso ng mga atleta lalo na sa larangan ng basketball ang legasiya ni Bryant.

Kung maaalala, kaninang umaga ng mamatay si Bryant kasama ang 13-anyos na anak nito matapos ang helicopter crash sa Calabasas, Los Angeles, California.