NAGA CITY – Naaagnas na ng matagpuan ang bangkay ng isang senior citizen sa Sitio Rapak Brgy. San Antonio, Tinambac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Sery Rita, residente ng Brgy. Tunggo, Siruma, sa naturang lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, natagpuan na lamang ng mismong kapitan ng Brgy. San Antonio ang bangkay ng biktima sa tabing dagat.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na mayroong Alzheimer disease ang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente habang isasailalim naman sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima.