Inihayag ng isang opisyal ng Barangay Caroyroyan, Pili Camarines Sur ang pagsunod sa mandato ng batas patungkol sa paglalagay ng mga pangalan sa bawat proyekto ng gobyerno.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Jerry Canave, ng Barangay Caroyroyan, Pili Cam. Sur, inihayag nito na walang makikita na ano man na pangalan ng pulitiko sa mga proyekto ng barangay.
Samantala pagdating naman sa mga ipinapamigay na ayuda ng gobyerno ay mariin na tinutulan ng opisyal ang paglalagay ng mga larawan at pangalan sa mga ipinapamigay na tulong, dahil umano ang pagbibigay ayuda ay isang “Very good at Noble program” na hindi dapat nahahaluan ng politika.
Ngunit hindi naman makikakaila ng opisyal na mayroon parin na ilang mga sitwasyon nagkakaroon ng mga pagkakataon at agam-agam na mayroong sistema sa paglilista ng mga benepisyaryo. Ngunit siniguro ng opisyal na walang kaparehong sitwasyon ang nangyayari sa kanilang Barangay.
Samantala, mensahe naman ng opisyal sa ilang nag aabuso ng kanilang kapangyarihan at mga mamamayan na huwag hayaan na umabuso ang mga politiko sapagkat pera ng taumbayan ang ginastos para sa mga proyektong ito.














