NAGA CITY- Umabot na sa 676 confirmed cases ang kabuuang bilang ng mga nag positibo sa Coronavirus disease sa Bicol Region.

Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol muling nakapagtala ngayong araw (August 5, 2020) ng 21 new confirmed cases resulta upang umakyat narin sa 399 ang mga Active cases.

Sa naturang bilang 12 ang mula sa Camarines Norte (6 Daet, 3 Basud, 1 Jose Panganiban, 1 Labo, 1 San Vicente), lima sa Sorsogon (3 Sorsogon City, 1 Bulan, 1 Casiguran), tatlo sa Camarines Sur (2 San Jose, 1 Canaman), at isa naman sa Naga City.

Sa ngayon patuloy ang panawagan ng DOH-Bicol sa Locally Stranded Individuals (LSI), Returenee OFW’s pati narin sa mga naging close contacts ng mga confirmed COVID-19 positive na sumunod sa mga ipinapatupad na quarantine at isolation procedures.