NAGA CITY – DEAD-ON-ARRIVAL ang isang construction worker matapos makabangga ang isang motorsiklo sa isang tricycle sa Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Dexter Domingo, 45-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Bocohan, sa naturang lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Dario Manahan, 55-anyos, residente ng Purok Dama De Noche, Brgy. Domoit, sa nasabing lungsod, ang kahabaan ng Enverga Street at pagdating sa may crossing na bahagi, aksidente itong nabanggaan ng motorsiklo na minamaneho ni Domingo mula naman sa kaliwang kalsada.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa lakas ng impact nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang driver ng dalawang behikulo para sa asistensya medikal ngunit idineklara rin dead on arrival si Domingo.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek matapos boluntaryong sumuko matapos ang nasabing insidente.