Photo @ web

Pansamantalang inalis sa detention ng Senado si embattled contractor Pacifico “Curlee” Discaya II ngayong Huwebes, Abril 30 ng umaga upang sumailalim sa operasyon sa balikat, ayon kay Senate Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza.

Ayon kay Mendoza, inaasahang mananatili si Discaya sa ospital ng apat hanggang pitong araw depende sa kanyang recovery matapos ang operasyon.

“Dadalhin si Mr. Discaya ngayon sa hospital for his procedure,” ani Mendoza sa panayam.

Dagdag pa niya, payo ng mga doktor na manatili ito sa ospital ng ilang araw, ngunit maaari umano itong bumalik sa Senate of the Philippines sa loob ng limang araw kung maayos ang kanyang kondisyon.

Advertisement

Nilinaw din ng opisyal na hindi naka-handcuff si Discaya nang ilabas mula sa Senate premises at dinala ito sa ospital sa pamamagitan ng ambulansya na may kasamang pulis para sa seguridad.

Ayon pa kay Mendoza, mahigpit ang pagbabantay sa contractor habang nasa ospital, at mananatili ang parehong security setup tulad sa loob ng Senado. Limitado rin ang bisita sa kanya mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., at bawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng kanyang silid.

Matatandaang mula pa noong Setyembre 2025 ay nakakulong si Discaya sa Senado matapos ma-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Advertisement