Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang 27-anyos na driver matapos nitong tumakas nang magpa-full tank ng P5,196 sa isang gasolinahan sa La Loma, Quezon City noong Marso 22.
Boluntaryong sumuko ang suspek kasama ang kaniyang mga kaanak sa Quezon City Police District Station 1. Ayon sa mga awtoridad, nakilala ang driver at ang sasakyan nito matapos makita sa CCTV footage.
Sinabi ng suspek na hindi niya alam na hinahanap siya ng mga pulis, at nanatili siya sa kaniyang tahanan sa San Jose del Monte, Bulacan kasama ang sasakyan na sangkot sa insidente.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong estafa laban sa driver habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Advertisement
Advertisement













