Naghain ng reklamong graft ang grupo ng “concerned Department of Health personnel” sa Office of the Ombudsman laban kay DOH Sec. Ted Herbosa at 16 pang opisyal dahil sa umano’y nasayang na P1.4 bilyong halaga ng mga gamot at bakuna.

Sa 33-pahinang reklamo, inakusahan ng grupo ang kalihim at iba pang opisyal ng graft, serious dishonesty, grave misconduct, at conduct prejudicial to public service dahil sa kabiguan nilang ipamahagi ang mga gamot kabilang ang HIV antiretrovirals, psychiatric medications, at vaccines, na hinayaang masira sa mga bodega.

Ayon sa reklamo, expired na ang P68 million na halaga ng medisina kabilang ang 1.2 milyong cycles ng family planning drugs at psychiatric injectables, P1.3 bilyong halaga ng hindi na-deliver na mga bakuna, at 1.6 milyong tablets ng HIV antiretrovirals. Tinukoy ito bilang isang “dereliction of duty” o pagpapabaya sa tungkulin na direktang paglabag sa tiwala ng publiko.

Aniyong ng grupo, naipaalam sa mga opisyal sa isang executive briefer ang overstocking at mga nakatakdang mag-expire na legacy antiretrovirals (ARVs), kasama ang visual list ng lahat ng commodities na malapit nang masira. Sa halip na ipatupad ang emergency distribution plan, umano’y pinabilis ng DOH ang disposal ng mga gamot upang ma-liquidate ang stock at maitago ang ebidensiya mula sa media.

Advertisement

Binanggit din sa reklamo ang internal communications mula sa tanggapan ni Herbosa, kabilang ang isang mensahe na nagsasabing marami pang commodities ang malapit nang mag-expire.

Dahil dito, hinihiling ng grupo sa Ombudsman na agarang ilagay si Herbosa at ang kanyang co-respondents sa preventive suspension upang maiwasang ma-intimidate ang mga testigo o ma-tamper ang ebidensiya habang ginugulong ang imbestigasyon.

Advertisement