NAGA CITY- Patuloy ang paglobo ng confirmed cases ng Covid-19 sa Naga City matapos na makasalamuha nina Bicol#91 at Bicol#92.

Sa ngayon mayroon nang 13 active cases sa nasabing lungsod habang 109 sa Bicol Region.

Sa opisyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion kinilala nito si Bicol#109 na isang lalaki, 43-anyos , residente ng Zone 4-A Spillway, Concepcion Pequeña at isang trabahador sa bahay nina Bicol#92 at Bicol#100.

Dahil dito mananatiling nasailalim sa “lockdown” ang nasabing barangay hanggang sa hindi pa nakakasiguro na wala ng banta ng nasabing sakit sa lugar.

Advertisement

Magsasagawa narin umano ng rapid antibody test, o kaya swab test kung papayagan ng Department of Health(DOH) sa mga residente ng Spillway, Concepcion Pequeña na mayroong sintomas o nagkaroon ng contact sa lahat ng nagpositibo dito.

Advertisement