Tinanggihan ng Iran ang panibagong usapang pangkapayapaan sa Estados Unidos, ayon sa state news agency na IRNA, ilang oras matapos ihayag ni U.S. President Donald Trump ang plano nitong magpadala ng mga envoy sa Pakistan para sa negosasyon.

Ayon sa ulat, nakatakdang dumating ang mga kinatawan ng Estados Unidos sa Pakistan bago matapos ang dalawang linggong ceasefire, ngunit sinabi ng Iran na hindi sila lalahok sa susunod na round ng usapan.

Giit ng Iran, ang kanilang hindi pagdalo ay bunsod ng umano’y “excessive demands, unrealistic expectations, constant shifts in stance, repeated contradictions, at naval blockade” ng Estados Unidos na itinuturing nilang paglabag sa ceasefire.

Nauna rito, nagbanta si Trump sa kanyang Truth Social post na maaari umanong targetin ng US ang imprastraktura ng Iran kung hindi tatanggapin ang alok na kasunduan.

Advertisement

“We’re offering a very fair and reasonable deal… the United States is going to knock out every single power plant, and every single bridge, in Iran,” ani Trump. “NO MORE MR. NICE GUY!”

Ayon sa White House, pamumunuan sana ni U.S. Vice President JD Vance ang delegasyon, kasama sina envoy Steven Witkoff at Jared Kushner.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang White House kaugnay sa pagtanggi ng Iran, habang patuloy ang tensyon sa rehiyon at papalapit na ang pagtatapos ng umiiral na ceasefire.

Advertisement