NAGA CITY – Binawian na ng buhay ang kompositor at isa sa mga haligi ng “sonatang Bicolnon” sa 4th district ng Camarines Sur o Partido Area.

Kinilala ito na si Dean Delmo Correo na tubong Himagtocon, Lagonoy na isa sa mga contestant sa 6th Goa Bicol Song Writing Competition kagabi.

Ngunit habang kinakanta nito ang kaniyang komposisyon na mayroong titulong “Mabalik sa kugos mo” ng bigla na lamang itong nahulog at bumagsak sa entablado.

Mabilis man na inagapan si Correo at agad na itinakbo sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Nabatid na inatake sa puso ang naturang kompositor ng mga oras na nasa ibabaw ito ng entablado.

Samantala, bumuhos naman ang pagpapaabot ng pakikiramay para sa naulilang pamilya ng kompositor gayundin an alkalde ng naturang bayan.