NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa Sitio Bagong Pook, Brgy Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na mayroong sputnik tattoo sa kanyang kanang braso, nasa 40-50-anyos, nakasuot ng itim na lakers ball cap, t-shirt na mayroong Sta. Cruz marking, itim na jogger at itim na tsinelas.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na pasado alas-6:45 ng umaga habang nagpapatrolya ang duty patroller nang makita nito ang nakadapa at wala nang buhay na katawan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nabatid na mayroong tama nang bala ng baril ang nasabing lalaki.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nasabing insidente habang hinihintay naman ang resulta ng otopsiya upang malaman ang totoong dahilan ng nagin pagkamatay ng nasabing biktima.