Nananatili pa ring pinakamalaking partido sa Kamara de Representantes ang Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa kabila ng paglilipat ng ilang miyembro nito sa ibang partido, ayon sa mga opisyal ng National Unity Party (NUP).
Ayon kay House Deputy Speaker at NUP Chairman Ronaldo Puno, nananatiling malaki ang bilang ng mga miyembro ng Kamara na kaanib sa Lakas-CMD, sa pangunguna ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Dagdag pa ni Puno, nananatili rin ang matibay na samahan ng mga miyembro ng naturang partido sa kasalukuyan sa kabila ng mga naganap na paglipat ng ilang mambabatas patungo sa ibang political parties gaya ng NUP.
Samantala, sinabi rin ni Puno na naniniwala siyang karamihan sa mga miyembro ng Lakas ay sumusuporta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Tinukoy pa niya ang Lakas-CMD bilang “father party” ng nasabing impeachment complaint, kaya’t inaasahan umano niyang malaking bahagi ng mga miyembro nito ang susuporta kapag naiprisinta na ang reklamo sa plenaryo ng Kamara.














