NAGA CITY-Inaresto ang isang lalake sa Zone 3, Brgy. Sta. Justina, Buhi, Camarines Sur, pagkatapos itong makunan ng halos kalahating milyon na halaga ng ilegal na droga.

Kinilala ang suspek na si alyas Marianoy, 56 anyos, residente ng Zone 3, Brgy. Sta. Justina, Buhi Camarines Sur.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office 5, napag-alaman na inaresto ang suspek pagkatapos na ipatupad dito ang search warrant para sa bayolasyon ng R.A. 9165 o an Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakuha sa suspek ang isang piraso ng maliit na heat-sealed plastic sachet ng pinaniniwalaang droga, dalawang piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet ng kaparehong bagay, at isang large transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang kapareho na may kabuuang bigat na 69 grams.

Nagkakahalaga aniya ang mga ito ng ₱469,200.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.