NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang persona matapos magbigti sa Milaor, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jerald Delos Santos, 34-anyos, residente ng Brgy. Maydaso sa naturang bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, Napag-alaman na nakita na lamang ng ama ng biktima ang kaniyang anak na nakabigti gamit ang nylon na lubid sa loob ng kanilang bahay.
Sa inisyal na imbestoigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nakakaranas ng depresyon ang naturang biktima.
Samantala, tumanggi na rin ang pamilya ng biktima na ipasailalim pa ito sa post mortem examination dahil naniniwala ito na suicide ang nangyari.