NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Mauban, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Josies Christian Nera Oliveros, 28-anyos, residente ng Brgy Daungan sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang hinahanap ng kaniyang ina ang biktima nang matagpuan na lamang ito na nakabitay sa loob ng kaniyang kwarto.

Sinubukan pa naman umanong dalhin sa ospital ang biktima ngunit ideneklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nakakaranas ng depression at iba pang problema sa kasintahan ang biktima na posibleng naging dahilan sa pagpapatiwakal nito.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mag awtoridad hinggil sa insidente.