NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilang suspek sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jose Gonzales, 51-anyos, residente ng Brgy. Malabanban Sur, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nakaupo ang biktima sa balkonahe ng bahay ng kaniyang kaibigan at nag-iinoman, bigla na lang dumating ang tatlong mga suspek at pinagbabaril si Gonzales na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 19 fired cartridge cases ng caliber .45 na baril at siyam na fired bullet.

Sa ngayon ay nagpapatulor pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga ototridad lalo na ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan at kinalalagyang ng mga suspek na agad tumakas matapos ang nasabing krimen.