NAGA CITY-Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Purok Masagana, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si alyas Mark, 26-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bandang alas-9 ng umaga noong Enero 5, 2024, nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng biktima sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na mayroong sugat ang biktima galing sa pananaksak sa bahagi ng kanyang mukha.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa insidente, pati na ang paghahanap sa posibleng may kagagawan ng pananaksak ki alyas Mark at ang pag-alam sa posibleng motibo sa naturang krimen.