NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki habang nakahandusay sa kaniyang kwarto sa Barangay Del Rosario, Canaman, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Niel Lawrence Hillari, 21-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na mismong ang ama ng biktima ang nakakita sa katawan ni Hillari na nakahandusay habang may nakapulupot na sinturon sa leeg nito.
Agad naman na dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.