NAGA CITY- Patay na at tadtad pa ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan nang matagpuan ang isang lalaki sa Zone 2, Brgy. Itangon, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Ricky Vasquez, 49-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. Hamoraon, Minalabac, sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Police Corporal Manny Ama, Public Information Officer ng Bula Municipal Police Station, na nangyari ang insidente bandang alas-10:30 ng umaga nitong Martes at naireport lamang sa kanila bandang alas-11 na ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang namimitas ng manggang ang kinilalang sila alyas Lumbis at alyas Elcano, parehong residente ng nasabing lugar nang makarinig ang mga ito ng mga putok ng baril.

Nang tumungo ang dalawa sa direksiyon ng putok ng baril, dito na nadatnan na nakahandusay, tad-tad ng tama ng bala ng baril at wala ng buhay na katawan ng biktima

Sa kabilang banda, agad rin nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad para sa makilanlan at madakip ang sinumang sangkot sa naturang krimen.