NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalalang suspek sa Maharlika Highway, Brgy. Lumingon, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Alejandrino Dulutan, 36-anyos, residente ng Lapids Ville Subdivision, Brgy. Lumingon, sa nasabing bayan .

Sa nakalap impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office , napag-alaman na habang sakay ang biktima ng isang motorsiklo ng bigla na lamang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima.

Dahil sa nasabing insidente nagtamo ng tama ng bala ng baril an biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan na agad naman na dinala sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival ng mga doktor.

Habang agad naman na nakatakas ang mga suspek matapos ang nasabing pamamaril.

Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang pitong pidaso ng empty shell ng pinaniniwalaang caliber 45 na baril, at isang unit ng motorsiklo.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente at sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.