NAGA CITY – Halos mapugutan ng ulo ang isang lalaki matapos palakolin ng mga pinsan nito matapos taponan ng tae ang bahay ng mga suspect sa Brgy. Perpetual Help, Iriga City, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Nolito Biasca, residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Elmer Mora, Hepe ng Iriga PNP, napagalaman na inatake ng mga suspect na kinilalang sina Dandi at Dandoy Grimaldo ang biktima gamit ang palakol.
Ayon dito nag-agawan ang tatlo sa naturang patalim ngunit naagaw ito ng mga suspect kung saan dito na pinalakol ang biktima.
Ayon kay Mora, halos humiwalay ang ulo nito sa kanyang leeg na nauwi sa pagka matay ng biktima.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Dandoy. Habang patuloy namang pinag hahanap ng mga otoridad si Dandi na agad na nakatakas matapos ang nasabing krimen.