Photo© web

NAGA CITY- Magde-deploy ang Naga City Police Office nang nasa 533 na tauhan para sa isasagawang National Youth Day sa lungsod ng Naga sa darating na Hunyo 10 hanggang 14 nang kasalukuyang taon kasabay sa inaasahang pagdating ng libo-libong delegad mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni PLTCOL. Chester Pomar, Public Information Office nang Naga City Police Office, handa umano sila na magbigay ng asistensiya sa mga delegates na mula pa sa iba’t ibang dako ng Pilipinas.

Kaugnay nito, mayroong 34 na tauhan ang ilalagay sa Task Force Naga; 15 na mga kapulisan na magbabantay sa convoy ng mga VIPs’; 52 na tauhan ang ide-deploy sa simbahan at mga mall; 8 upang magbigay proteksyon sa mga VIP.

Maliban dito, mayroong 83 na mga kapulisan ang ide-deploy para sa mobile bike at foot patrol; 90 sa traffic management; 60 sa venue; 30 sa sub task group; 72 sa mga bisita; 80 sa motorists assistance center at iba pa.

Advertisement

Kaugnay nito, tiniyak rin nang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Naga na sasailalim sa quarantine maging ang pagprisinta ng medical certificate ang mga delegado na galing sa lugar kung saan may nagpositibo sa MPOX.

Kailangan umano na ipatupad ang precautionary measures upang matiyak ang kaligtasan nang dadalo na inaasahang aabot sa libong katao.

Inaasahan kasi ang nasa 83 dioceses, 22 organizations, 6778 delegates at nasa higit 16k ang mga tao na dadalo sa isasagawang traslacion.

Maalala ngayong taon, ang Naga City ang napiling mag-host sa isa sa pinakamalaking aktibidad sa simbahang katolika na kung saan binibigyang rekognasyon ang mahalagang ambag o papel ng mga kabataan sa lipunan.

Taon-taon ito ay ginaganap sa iba’t ibang dioceses sa buong bansa at ngayong 2025 ito ay isasagawa sa Naga City.

Sa ngayon, puspusan ang paghahanda ng simbahan, LGU-Naga at mga katuwang nitong ahensiya upang maidaos na mapayapa at ligtas ang nasabing aktibidad.

Advertisement