NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos na mabangga ng truck sa Ocampo, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Lydio Bersabal, 70-anyos, residente ng Brgy Payatan, Goa, sa nasabing lalawigan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang tinatahak ng truck na minamaneho ni Wilmar Borabo, 30-anyos, residente din ng nasabing lugar, ang Gov JT Fuentebella Highway papuntang Pili, sa nasabing lalawigan ng mabangga ng nasabign truck ang isa pang truck na minamaneho naman ni Margarito Malazarte, 33-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nawalan ng kontrol si Borado sa minamaneho nitong truck na naging dahilan upang mabangga nito ang biktima na naglalakad sa gilid ng kalsada.

Dahil dito, agad na binawian ng buhay si Bersabal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.