NAGA CITY- Tinayatang aabot sa mahigit P22,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek matapos ang isinagawang buy bust operation sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Irish Alemania, 20-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakabili ang umaktong poseur buyer sa suspek ng isang pakete ng hinihinalang shabu gamit ang P500 bilang buy bust money.

Maliban sa buy bust item, nakumpiska pa sa suspek ang apat na priaso ng pinagbabawal na gamot na may bigat na 1.08 grams at nagkakahalaga naman ng nasa mahigit kumulang P22,032.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon