NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P500-K ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad laban sa dalawang suspek sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Reynaldo Saginsin, 29-anyos, residente ng Barangay San Diego, San Pablo City, Laguna at Jhomar Avellaneda 39-anyos residente ng Barangay Ingas, Infanta sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa mga nasabing suspek ng isang pirasong heat sealed transparent white crystalline substance gamit ang P500 bilang buy bust money.

Maliban pa dito, nakumpiska pa sa dalawa ang anim na piraso ng pinagbabawal na gamot na mayroong bigat na aabot sa 25 grams na nagkakahalaga ng nasa P510,000.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.