Photo © web

Itinanggi ng Malacañang na may kinalaman ito sa pagtanggal ni Rep. Edgar Erice bilang senior deputy minority leader sa House of Representatives, kasunod ng alegasyon ng mambabatas na ang hakbang ay pulitikal at may impluwensya mula kay House Majority Leader Rep. Sandro Marcos.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang pagtanggal kay Erice ay bunga ng desisyon ng kanyang sariling grupo sa minority bloc, at hindi ng Malacañang o ni Sandro Marcos. Binanggit niya na ang mga dating kasama ni Erice sa minority—kabilang sina Cong. Bienvenido , dating Cong. Zaldy Co, Rep. Leila de Lima, at Cong. Chel Diokno—ay miyembro ng oposisyon at hindi maaaring dikta ng Pangulo o ng majority leader.

Ayon kay Castro, ang pagtanggi sa kanya ay maaaring dahil sa paniniwala o adbokasiya ni Erice, ngunit malinaw na siya ay “inayawan” ng kanyang grupo at pinalitan sa posisyon na matagal na niyang hinangad.

Advertisement