Posibleng magkaroon ng malaking rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, kung saan inaasahang aabot sa humigit-kumulang P8 kada litro ang bawas sa diesel.

Batay sa unang apat na araw ng kalakalan sa pandaigdigang merkado, tinatayang magbabago ang presyo ng langis sa mga susunod na adjustment. Inaasahang bababa ng humigit-kumulang P0.40 kada litro ang gasolina, P8.50 kada litro ang diesel, at P11 kada litro ang kerosene.

Gayunman, maaari pang magbago ang mga presyong ito dahil may natitira pang isang araw ng trading bago tuluyang ma-finalize ang opisyal na adjustments.

Ayon sa mga ulat, bumaba ang presyo ng langis sa mga nakaraang araw matapos ipahiwatig ng Washington na umuusad na ang negosasyon para muling buksan ang Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.

Advertisement
Advertisement