NAGA CITY- Patay ang isang menor de edad matapos hindi makalabas sa nasusunog na bahay sa Sitio Coramosan, Brgy. Sooc, Lupi, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napag-alaman naiwan sa kanilang bahay ang 16-anyos na daragita nang mangyari ang sunog.

Hindi umano nagawang makalabas ng biktima dahil mayroon itong kapansanan kung kaya agad itong binawian ng buhay.

Sa ngayon nagpapatoloy pa an imbestigasyon ng mga otoridad habang inaalam pa ang dahilan ng sunog at halaga ng pinsalang iniwan nito.