NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang bangkay ng isang menor de edad sa Zone 6, Barangay Bustrac, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na isang 12-anyos na babae, residente ng Zone 2, Sitio Abaca, Barangay San Antonio Ogbon sa nasabing bayan,

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi sa tabi ng nasabing kalsada.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na Agosto 8 pa unang nai-ulat na nawawala ang biktima.

Samantala, pinaniniwalaang ginahasa pa ang biktima bago ito tuluyang pinatay.

Sa ngayon, isasailalim naman sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima gayundin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.