NAGA CITY- Inatasan ngayon ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang lahat ng alkalde sa lalwigan ng Camarines Sur na maglagay ng single point loading area para sa lahat ng pampasaherong bus mula Manila, Calabarzon at iba pang lugar na may COVID-19.

Maliban dito, ipapatupad din ang thermal scanning at registration para sa lahat ng tao na papasok sa kanya-kanyang lungsod at bayan lalo na ang mula sa mga apektadong lugar ng nasabing sakit.

Ayon kay Villafuerte kinakailangan ding ipasailalim sa 14 day self-quarantine ang naturang mga indibidwal at mahigpit na imomonitor ng mga Barangay Health Emergency Response team.

Samantala base sa ipinalabas na abiso ng Bicol Medical Center (BMC) sa pangunguna ni OIC/ Medical Center Chief II Francisco Sales, magpapatupad ngayon ang ospital ng One Patient, One Watcher Policy habang pansamantala mang sinuspende ang visiting hours para sa mga pasyante.

Ang naturang ospital ang isa sa mga designated DOH health facilities para mag-admit at manguna sa lahat ng kaso na na may kinalaman sa COVID-19.