NAGA CITY-Dead on the spot ang isang motorcycle driver habang sugatan ang dalawa pa matapos na mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo ng isang elf truck sa Maharlika Highway Brgy. Masin Sur Candelaria, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si alyas Jake, 32-anyos, residente ng Lanete St. Brgy. Pahinga Norte sa naturang lugar, habang ang mga nasugatan naman ang kinilala na sina Kendrick Dia Cortado, 31-anyos, backrider ni alyas Jake at ang driver ng elf truck na si alyas Teodorico, 52-anyos, residente ng Brgy. Gui-Guis Talon Sariaya, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ni alyas Jake gamit ang kanyang motorsiklo ang kahabaan ng nasabing daan, ng bigla na lang pinasok ng elf truck na minamaneho ni alyas Teodorico ang linya ng motorsiklo, dahilan upang mabangga nito ang nasabing motorsiklo.

Dahil sa lakas naman ng impact, kaagad na binawian ng buhay ang driver ng motorsiklo habang nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang backride ng motorsiklo at ang driver ng elf truck na kaagad na dinala sa ospital para sa agarang lunas.

Sa ngayon, paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na laging siguraduhin na nasa tamang kondisyon ang kanilang behikulo bago mag-biyahe.