NAGA CITY- Umapela ngayon ang lokal na pamahalaan ng Naga sa Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod.
Sa pagharap ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga kagawad ng media, sinabi nitong nagpadala sila ng sulat sa IATF at nag-apela na huwag na munang ibaba sa General Community Quarantine ang lungsod dahil hindi pa ito handa.
Ayon kay Legacion, maging ang mga doktor sa Bicol Medical Center (BMC) ang nagsasabi na hindi pa handa ang Naga para sa GCQ.
Sa kabila nito, ayon kay Legacion, anuman ang maging desisyon ng IATF, tatalima parin ang lungsod.
Nabatid na mayroong limang kaso ng COVID-19 sa Naga habang ang isa rito ang binawian ng buhay.