NAGA CITY- Nagbubunyi ngayon ang lungsod ng Naga matapos gawaran bilang “People of the Year 2021” si Vice President Leni Robredo.
Ito’y matapos ang isinagawang Virtual Awards Night ng People Asia.
Kaugnay nito, nagpaabot rin ng pagbati si Naga City Mayor Nelson Legacion sa bise presidente, kung saan inilarawan niya ito bilang isang “Action Woman”.
Ayon sa alkalde ito’y dahil na rin umano sa mga nagawa ng bise presidente hindi lamang sa kaniyang mga kababayan kundi pati narin sa mga Filipino sa likod ng hamon na dala ng COVID-19 pandemic.