NAGA CITY- Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P68,000 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaki sa giniwang buy-bust operation sa Naga City.

Kinilala ang suspek na si Richard Diaz, 40-anyos, residente ng Zone 1, San Jose St. Brgy Mabolo sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na nakabili ang umaktong poseur buyer sa suspek ng isang pakete ng naturang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P15,000.

Samantala, nakumpiska pa sa suspek ang humigit kumulang 10 grams ng pinagbabawal na gamot na nagkakahala naman ng P68,400.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang parusa.