NAGA CITY – Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng sariling kapatid sa San Francisco, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Nemrod Manguerra, 54-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng bahay ng suspek na si Renerio Manguerara, 52-anyos si Nemrod ng bigla na lamang itong barilin ng suspek.

Ngunit, matapos na isagawa ang nasabing krimen agad rin naman na binaril ni Renerio ang sarili nito na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng magkapatid.

Samantala, ayon naman sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na matagal na umanong mayroong alitan ang dalawa dahil sa mana.