Nilinaw ng Office of the Ombudsman na hindi nakapasok sa Senado ang kanilang kinatawan kahapon dahil sa isyu sa security checkpoint. Dahil dito, hindi ito nakadalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na pinangunahan ng Cayetano bloc.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ipinaliwanag nila ang nangyari matapos punahin ni Sen. Rodante Marcoleta ang hindi pagdalo ng kanilang kinatawan sa kabila ng imbitasyon ng komite.

Dagdag pa ni Clavano, may alok umano mula sa ilang Senate staff na papasukin ang kanilang kinatawan bilang “guest” ng mga senador upang makadalo sa pagdinig.

Gayunman, nang matanggap ng Office of the Ombudsman ang imbitasyon, nagpasya silang huwag na itong ituloy dahil ito ay ipinadala ng Blue Ribbon Committee Secretariat at hindi ng isang partikular na senador.

Advertisement

Sa nasabing pagdinig, nagbigay ng salaysay ang tinaguriang “18 Marines” tungkol sa umano’y paghahatid ng kickback money sa ilang mambabatas na kanilang binanggit.

Advertisement