NAGA CITY- Nakumpiska mula sa isang pulis-Maynila ang nasa P1.3-M na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Sibujo, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na isang inactive member ng PNP, 53-anyos at kasalukuyang nakatira sa Quezon City.

Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, PIO ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nito na nakumpiska sa posisyon ng suspek ang shabu na tinatayang mayroong bigat na 200 grams at nagkakahalagang P1,360,000.

Ang nasabing operasyon ay pinagsanib na pwersa ng PNP at ng PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing pulis.

Dagdag pa ni Abalaing, hindi na aktibong miyembro ng kapulisan ang suspek na tubong Iriga City.

Binigyang-diin rin ng opisyal na hindi nila tinotolerate ang ganitong gawain ng kanilang mga tauhan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.