NAGA CITY- Kumpiskado ang nasa P114-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buybust operation sa phase 2 Brgy Marketview, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si alyas Marlyn, 33-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na naaktuhan ng mga otoridad ang suspek na nagbebenta ng iligal na droga matapos na makabili ang posuer buyer nang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1-K.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, maliban sa buy bust item nakumpiska pa sa suspek ang isa pang heat sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Sa kabuuan, tinatayang mayroong bigat na aabot sa 5.6 grams ang mga nakumpiskang shabu at nagkakahalaga ng nasa P114,240.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karamptang disposisyon.