NAGA CITY- Tinatayang aabot sa P8.3 Million ang halaga ng nakumpiskang pinaniniwalaang shabu sa magkakahiwalay na isinagawang drug buy bust operation sa lalawigan ng Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office(QPPO) napagalaman na aabot sa 387.4 grams ang kabuuang bigat ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa nasabing mga operasyon.
Base sa imbestigasyon nasa pito katao ang naaresto ng mga otoridad, kung saan dalawa sa Lucena City, isa sa bayan ng Sariaya at apat sa Candelaria Quezon.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspect habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.