Ipinaliwanag ng isang ekonomista na meron na Apat na antas ng kita ang ginagamit ng World Bank upang masukat ang antas ng pag-unlad ng mga ekonomiya sa buong mundo—ang low-income, lower middle-income, upper middle-income, at high-income.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Emmanuel Onsayy, CPA/ Economista, sinabin nito na sa kasalukuyan, opisyal nang nakapasok ang Pilipinas sa ikatlong antas o ang upper middle-income classification, matapos lumampas ang gross national income (GNI) per capita ng bansa sa itinakdang threshold ng World Bank.

Mula sa pagiging isang lower middle-income country sa loob ng maraming taon, naitala ng Pilipinas ang GNI per capita na umaabot sa humigit-kumulang ₱295,850, mas mataas sa kinakailangang ₱228,796 upang makapasok sa upper middle-income category.

Ayon kay Dr. Onsay, ang pag-angat na ito ay indikasyon ng paglago ng pambansang ekonomiya at pagtaas ng kabuuang kita ng bansa. Gayunman, hindi pa rito nagtatapos ang hamon dahil nananatiling layunin ng Pilipinas ang pag-abot sa pinakamataas na antas ng World Bank classification—ang pagiging isang high-income country.

Advertisement

Ipinaliwanag din niya na ang apat na income classifications ay hindi lamang simpleng ranggo kundi nagsisilbing sukatan ng kakayahan ng isang bansa na lumikha ng trabaho, makahikayat ng pamumuhunan, at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Bagamat isang mahalagang milestone ang pagpasok sa upper middle-income status, binigyang-diin ni Dr. Onsay na hindi awtomatikong nangangahulugan ito ng pag-angat ng pamumuhay ng lahat ng Pilipino. Marami pa ring sektor at rehiyon sa bansa na nananatiling nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa oportunidad sa trabaho.

Sa kabila nito, itinuturing ng mga ekonomista na mahalagang hakbang ang bagong klasipikasyon ng Pilipinas sa paglapit nito sa mas mataas na antas ng pag-unlad at sa pangmatagalang layunin na makasama sa hanay ng mga bansang may mataas na kita sa buong mundo.

Advertisement